Mga babaeng sangkot sa community pantry isyu dumulog kay Tulfo

Kamakailan lamang ay mabilis na nagsulputan sa iba-ibang bahagi ng bansa ang mga community pantry. Ang programang ito ay naglalayong magbigay tulong sa mga nangangailangan at mabuhay ang ispiriro ng bayanihan ng mga Pilipino.

Ang grupo ng mga babae mula sa Pasig na tinagurian na ngayong “eco girls” ay nakuha ang atensyon ng netizens matapos kumalat ang CCTV footage kung saan ang limang babae ay may mga dalang eco bags at inubos nila ang laman ng isang community pantry sa nasabing lugar.

Imahe: Raffy Tulfo in Action/Youtube

Dahil rito, na bash sila sa social media at ngayon ay humingi na sila ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action kasabay na rin ng kanilang Public Apology.

Ayon kay Maricar Adriano na siyang nagsilbing tagapagsalita ng limang babeng sangkot sa isyu, nakakapanlumo ang kanilang naging karanasan dahil masyadong below the belt na ang kumento ng mga netizens sa kanila kasama pa dito ang mga death threats na kanilang natatanggap at nadadamay pa maging ang kanilang mga pamilya.

Imahe: Raffy Tulfo in Action/Youtube

Kaya naman, nais sana nilang matigil na ang mga ito dahil masyado ng apektado ang kanilang pamumuhay. Dagdag pa ni Maricar, aminado naman daw sila na sila ang may kasalanan sa nangyari.

Inamin niya rin na siya ang babaeng may dala ng dalawang tray ng itlog sa kumalat na video at ipinamigay niya raw ito sa kanyang mga kapitbahay.

Imahe: Raffy Tulfo in Action/Youtube

Nagpakumbaba naman ang lima at humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga na-agrabyado at nadismaya nila sa kanilang nagawa. Nakausap na rin raw nila at nagkapatawaran na sila ng may-ari ng community pantry.

Mapapanood ang kanilang buong interbyu rito: