Nanay na binigyan ng ayudang bearbrand, humirit pa ng Nestogen

Mahirap talaga ang paghahanapbuhay lalo na ngayong higit isang taon na tayong may hinaharap na pandemya. Kaya naman, malaking tulong na talaga sa marami sa atin ang mga nakukuha nating ayuda mula sa gobyerno pati na rin sa mga taong may mabubuting puso.

Ngunit, mayroon pa ring iba sa atin na tila hindi nakukuntento sa kung anong ibinibigay sa kanila. Sa halip, humihingi pa ng dagdag na mga bagay.

Imahe: Cess Malimban/Facebook

Kagaya na lamang ng isang nanay na ito na agad pumukaw sa atensyon ng mga netizens.

Sa post sa Facebook ni David Christopher Hizon, makikita ang screenshot ng usapan ng isang volunteer at isang nanay na nabigyan ng ayuda na gatas para sa kanyang anak.

Imahe: Cess Malimban/Facebook

Nagsimula ang usapan ng dalawa ukol sa ibinigay na gatas na bear brand nga mga volunteer. Humingi naman ng paumanhin ang volunteer dahil nakaligtaan nilang daanan ang lugar ni ate.

Maya-maya pa, nagsabi na ang nanay na gusto niya na raw makuha ang ipinangako ng mga volunteer na nestogen na brand ng gatas bilang pamalit sa nauna ng ibinigay sa kanya ng bear brand.

Imahe: Cess Malimban/Facebook

Dagdag pa niya, huling takal na daw kasi ng gatas ang mayroon sila at hindi rin siya naka-bili dahil umaasa siya sa ipinangakong ibibigay ng mga volunteer.

Sa huling bahagi pa ng kanilang pag-uusap, nanghingi pa ng aktwal na petsa si nanay kung kailan daw makakadaan ang mga volunteer sa kanilang lugar kung saan sumagot naman ang volunteer na hindi pa sila makakasigurado dahil busy pa sila sa mga panahong iyon.

Imahe: Cess Malimban/Facebook

Napag-alaman naman na tatlong taong gulang na pala ang anak ng babae ayon sa original na nagpost ng mga nasabing screenshot ng kanilang pag-uusap noon pang 2020 na si Cess Malimban.