Camille Prats nakatanggap ng maraming mensahe matapos mapagkamalang “Camille” ng Jamill.

Simula nang naging trending ang isyu ng Jamill ukol sa diumano ay mga babae ni Jayzam, hindi lang ang mga babaeng sangkot dito ang nadawit ang pangalan. Maging ang batikang aktres na si Camille Prats ay nadawit rin dahil maraming tao ang napagkakamalan siyang si Camille Trinidad.

Sa isang post, ibinahagi ni Prats ang mga natatanggap niya mensahe mula sa maraming tao ukol sa encouragement at pangangamusta sa relasyon nila ni “Jayzam.”

Imahe: Camille Prats Yambao/Facebook

Dagdag pa ni Prats, marami rin mga larawan niya ang kumakalat at naka-tag pa siya sa mga larawan ukol sa isyu ng Jamill.

Ayon sa aktres, nagsimula lamang daw ito noong mayroong kumalat na joke o meme na may itsura at pangalan niya. Baka raw na confuse ang mga tao sa post na iyon kaya naman nagsimula siyang makatanggap ng mga mensahe.

“Ibang Camille po iyon.” Klinaro ng aktres na ibang Camille ang tinutukoy ng mga nag-iiwan ng mensahe sa kanya at natatawa na lamang siya tuwing may natatanggap siyang mga kagaya nito.

Imahe: Camille Prats Yambao/Facebook

Pinabula-anan rin ni Prats ang isang larawan kung saan nag-reply raw siya sa mensahe ng isang netizen. Ayon sa kanya, edited lamang ito at wala siyang nire-replyan na nag-iwan ng mensahe sa kanya ukol sa isyu ng Jamill.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa mga mensahe ng mga tao yun nga lang, iba dapat ang padalhan nila nito.

Kung matatandaan, kamakailan lang ay umabot pa sa Raffy Tulfo in Action ang isyung ito ng Jamill kasabay ng mga haka-haka ukol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon matapos ang mga nakakagulat na rebelasyon.