Mga babaeng nasangkot sa issue ng Jamill nag sumbong kay Tulfo

Ang real-life couple na Jamill (Jayzam Manabat at Camille Trinidad) ay isa sa mga pinakasikat na vlogger dito sa Pilipinas. Umaabot lang naman sa 12 million ang subscribers nila sa Youtube.

Kamakailan lamang ay naging trending muli ang pangalan ng dalawa pero hindi na ang vlogs nila ang rason. Ito ay dahil na sa diumano pagkakasangkot ni Jayzam sa ibang babae habang magkarelasyon silang dalawa ni Camille.

Imahe: Raffy Tulfo in Action/Youtube

Ang mga babaeng sangkot sa isyung ito na sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo ay dumulog na sa programang Raffy Tulfo jn action para mabigyang linaw ang isyu at para na rin malinis ang kanilang pangalan.

Sa unang bahagi ng interbyu ni Tulfo sa dalawa, ibinahagi nila ang tunay na nangyari sa pagitan nila ni Jayzam. Kasama na rin dito ang iba-ibang isyu na ipinupukol ng netizens sa kanila lalo na ang pagiging kabit.

Ibinahagi pa ng mga sangkot na bukod sa pangba-bash sa kanila ni netizens, may mga natatanggap rin silang death threats pati na ang kanilang mga pamilya.

Sa pangalawang bahagi naman ng interbyu, kasama na sina Camille at Jayzam at binahagi rin ng dalawa ang mga pangyayari ayon naman sa kanilang karanasan.

Sa huli, napagkasundu-an ng dalawang panig na magkapatawaran na lamang at mag move-on sa isyung ito. Humingi rin ng tawad si Jayzam kay Camille at sa lahat ng nasangkot sa isyung ito. Inamin niya na siya ang may pinakamalaking kasalanan rito at nagsisisi na siya sa kanyang mga nagawa.

Imahe: Raffy Tulfo in Action/Youtube

Sa pangkalahatan, mayroon talagang mga nasaktan sa nangyaring ito. Pero, ang importante ay may mga natutunan tayong leksyon gaano man kabigat ang karanasang ito.