Naalala niyo pa ang tindero nagpaiyak kay Ivana Alawi? Ito na siya ngayon

Kamakailan lamang ay nag viral ang isang vlog ni Ivana Alawi kung saan nagpanggap siyang isang palaboy at nanghingi ng limos sa mga tao sa daan. Magkano mn ang ibibigay sa kanya, dodoblehin niya ito ng sampung beses.

Sa naturang vlog, si tatay Joselito ang siyang nagpa-antig sa damdamin ni Ivana dahil kahit na mahirap rin ang kanyang pamumuhay, hindi siya nag-atubili na tumulong kanyang kapwa.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Hindi rin natapos sa naturang vlog ang pagtulong ni Ivana kay Tatay Joselito. Sa katunayan, marami pang bagay ang naibigay sa kanya ni Ivana. Dinokumento niya ang lahat ng ito sa kanya mismong personal na vlog.

Imahe: Joselito Martinez/Youtube

Sa pinakahuling vlog ni tatay Joselito Martinez, ipinakita niya ang bagong tirahan na nilipatan ng kanyang pamilya sa tulong na rin ni Ivana. Maliit man ito, higit namang mas komportable kaysa sa dati nilang tinitirhan ng kanyang pamilya.

Makikita pa ang lalagyan ni tatay ng puto na kanyang itinitinda sa labas ng kanilang bahay. Ito rin ang dala niya noong una niyang nakita si Ivana.

Imahe: Joselito Martinez/Youtube

Mayroon na ring iba-ibang appliances sa loob ng bahay ni tatay. Kagaya na lamang ng refrigerator at TV para malibang ang kanyang mga apo.

Imahe: Joselito Martinez/Youtube

Marami na rin ang subscribers ni tatay sa kanyang channel na umaabot na sa 38,000. Ang kanyang mga videos ay kadalasan ukol sa pagkaka-kawang-gawa at pagbibigay importansya sa pagbibigay at pagbabahagi ng blessings sa iba gaano man ito kaliit o kalaki.

Sana ay pagpalain pa lalo si tatay lalo na at napakabuti ng kanyang puso.