May mala-anghel na mukha na si Maya Basol hinahangaan sa social media

Ang salitang “cute” ay mistulang kaakibat na ng salitang bata. Ito ay dahil halos lahat ng batang ating makakasalamuha sa bawat araw ay punong-puno ng ka cute-an.

Imahe: Fayemous/Facebook

Kaya naman, hindi na nakapagtataka na marami agad ang nakapansin sa mga larawan ng limang taong gulang na batang si Maya Basol na mula sa Turkey.

Imahe: Fayemous/Facebook

Ayon sa Definitely Filipino, ang kanyang mga larawan sa Facebook ay hindi lamang nagpapakita kung gaano siya ka cute kundi mas lalo lumulutang ang tila mala-anghel niyang mukha.

Imahe: Fayemous/Facebook

Sa iba pa niyang mga larawan, animo’y dalaga na si Maya dahil magaling na rin itong mag pose sa camera. Ang talento niyang ito ay marahil namana na niya sa kanyang ina na si Asya Basol na isa ring modelo.

Sa mga larawan ni Maya sa mga social media accounts nito at sa mga nakatutuwang videos sa sariling YouTube channel, talaga namang bibong-bibo si Maya at tila sanay na sanay na sa posing, na kailangang-kailangan sa pagiging isang modelo.

Imahe: Fayemous/Facebook

Magaling ng mag pose si Maya maging nakangiti man ito, nakaseryong mukha, maamo at maging nakapikit pa ang mga mata, mukha pa rin siyang anghel.

Imahe: Fayemous/Facebook

Hindi na napigilan ng maraming netizens ang mamangha sa kagandahan ni Maya kaya naman mabilis na naging trending ang kanyang mga larawan.

Imahe: Fayemous/Facebook

Marami rin ang nagsabi na nakikita na nila ang magiging future ni Maya lalo na sa pagmomodelo o di kaya’y pag-aartista. Mistulang ipinanganak talaga siya para sa ganitong uri ng pamumuhay.

Narito, panoorin niyo ang isa lamang sa mga nakapa-cute na video ni Maya na ini-upload sa sarili niyang Youtube Channel.