Live Sellling ng mga mayayaman trending online

Usong-uso talaga ngayon ang live selling sa iba-ibang social media platforms. Kadalasan, ginagawa ito noong mga taong nagsisimula pa lamang sa mundo ng pagnenegosyo at wala pang sapat na puhunan para sa pwesto sa mga mall o di kaya’y sa mga bazarre markets.

Imahe: Kathrina/Facebook

Pero, ang trending ngayon na mga larawang kuha sa isang live selling ay sobrang nakakalula ang presyuhan dahil ang binebenta ay mga luxury bags. Tinatawag ito ngayong, “online selling ng mga mayayaman.”

Imahe: Kathrina/Facebook

Sa isang post ng OFW na si Kathrina, ibinahagi niya ang ilang screenshot sa napanood niyang live selling. Sa naturang mga screenshot, umaabot sa daang libong piso ang ino-offer na presyo ng mga nagma-mine.

Imahe: Kathrina/Facebook

Kagaya na lamang ng buyer na ito na umabot lang naman sa PHP195,000 ang ibinigay na presyo para sa isang Chanel na bag. Hindi rin nalalayo rito ang presyong ino-offer ng iba pang miners sa nasabing live selling.

Imahe: Kathrina/Facebook

May isa ring nag-offer naman ng PHP100,000 para sa isang itim na YSL na brand ng bag. May iba rin namang nakikinood lang sa naturang live selling dahil magaganda ang ibinebenta nila rito ngunit may kamahalan lang talaga ang presyo.

Imahe: Kathrina/Facebook

Dahil nga sa nakakalulang presyuhang ito, hindi na nakakataka na agad naging trending ang post ni Kathrina. Marami ang napa “Sana All” na lamang.

Imahe: Kathrina/Facebook

Ang live seller pala sa nasabing trending post ay si Lovely Abella at ang kanyang online shop ay pag-aari nila ng kanyang asawa na si Benj Manalo. Tinatawag nila itong Benly’s Online Shop.

Panoorin ang sample live dito.

Bukod pa sa mga bags, nagbebenta rin sila ng mga pawnable jewelries. Umaabot na nga sa 178,000 ang kanilang follower sa Facebook page ng kanilang shop.