Lalaki naipatayo ang pangarap na napakagandang simpleng bahay sa halagang 85k

Isa sa mga pangunahing karapatan ng tao ang pagkakaroon ng tirahan. Hindi naman kailangan na magarbo o mansyon ito, ang importante ang sama-sama ang magkapamilya at mayroong magandang masayang pakikitungo sa bawat isa ang mag-anak.

Imahe: JM Domio/Facebook

Si JM Domio ay ibinahagi ang kanyang pangarap na bahay na gawa lamang sa mga kahoy at mga magaan na materyales.

Imahe: JM Domio/Facebook

Ayon pa kay Domio, inihahalintulad niya ang kanyang “kubo” sa mga villa o cottage na madalas tinitirhan ng mga tao tuwing pumupunta sa mga beach. Para sa kanya, ang munti niyang kubo ay siyang lugar kung saan siya makakapag-unwind at makakapag-relax.

Imahe: JM Domio/Facebook

Sa mga larawan naman na kanyang pinost, makikita ang buong proseso ng paggawa ng kanyang dream home.

Imahe: JM Domio/Facebook

Nagsimula ito sa iilang piraso lang ng iba-ibang uri ng kahoy. Ayon pa kay Domio, napili niyang gamitin ang mga materyales na ito dahil marami nito at hindi masyadong mahal ang presyo sa kanilang probinsya.

Imahe: JM Domio/Facebook

Inabot rin naman ng mahigit dalawang buwan ang tagal ng pagpapagawa ng bahay ni Domio pero kung pagbabasehan ang finished product ng kanyang bahay, aakalain mong mas matagal pa ang panahong itinuon para gawin ito.

Imahe: JM Domio/Facebook

Ibinahagi rin ni Domio na palagi siyang hands-on sa pagpapagawa ng bahay niya dahil hindi niya lamang ito itinuturing na bahay kundi katuparan na rin ng matagal na niyang pangarap.

Imahe: JM Domio/Facebook

Bakas rin sa mga larawang kanyang ini-upload ang pulidong kagkakagawa ng kanyang bahay. Maraming netizens naman ang hindi na napigilan ang paghanga sa proyektong ito ni Domio.

Imahe: JM Domio/Facebook

Ayon sa kanila, ang ganitong uri ng simpleng bahay ay nagbibigay ng kakaibang uri ng kasiyahan sa mga tao.

Imahe: JM Domio/Facebook

Dagdag pa ni Domio, umabot sa PHP85,000 ang kabuuan niyang nagastos sa pagpapagawa ng kanyang “dream kubo.”