Ginang itinali sa motor ang kanyang lasing na asawa

Tuwing mayroong handaan o okasyon sa mga pamilya, hindi talaga maiiwasan ang inuman lalo na at nakakadagdag ito sa kasiyahan ng selebrasyon. Ngunit, minsan, mayroong mga tao na ginagawa nang bisyo ang pag-inom at ginagawa nila ito araw-araw.

Kadalasan, ang nasa bisyong ito ay mga lalaki, kaya naman lagi silang napagsasabihan ng kani-kanilang mga asawa. Pero, sa kaso ng lalaking ito na marahil mula sa Vietnam, nasanay na marahil ang kanyang asawa sa kanyang pag-iinom kaya naman nakagawa na ito ng isang nakakatuwang paraan ng pagdala sa lasing niyang asawa sa kanilang bahay.

Sa mga larawang kumakalat ngayon sa social media, isang ginang na nakasuot ng puting damit at helmet ang nakunan ng larawan habang itinatali ang kanyang asawang naka-kulay yellow na damit sa kanilang motorsiklo.

May nilagay na cargo frame sa likod na parte ng motorsiklo ang ginang kung saan nakahiga sa na nakabaluktot ang tuhod ng kanyang asawa. May nilagay rin siya na kulay berdeng lubid sa katawan ng kanyang asawa para hindi ito malaglag habang sila ay bumabyahe.

Mabilis naman na nakakuha ng pansin ng mga netizens ang nasabing larawan at marami ang natuwa sa ginawang ito ng ginang. Lalo na ang mga asawa na palagi na lamang namomroblema kung paano nila dadalhin sa kanilang bahay ang lasing nilang mga asawa.

Sa katunayan, sa isang post ng Facebook page na Takbong Pogi, umabot lang naman sa 14,000 ang nag react dito matapos lang ang isang araw noong nai-post ito.

Sources: Saostar, Takbong Pogi