Babae may payo sa lahat ng customers matapos makita ang isang delivery rider na naghintay sa ilalim ng mainit na araw

Ngayong panahon na may kinakaharap tayong pandemya, malaking tulong ang online shopping sa pagbili ng ating mga kailangan na hindi na tayo lumalabas ng ating bahay.

Sa pagsasagawa nito, malaking papel ang ginagampanan ng mga delivery riders na susu-ungin ang init at ulan para lamang mai-abot sa atin ng nasa mabuting kondisyon ang atin inorder.

Imahe: Clariss Gorio/Facebook

Ngunit, nakakalungkot isipin na may mga kababayan tayo na tila binabalewala ang sakripisyo ng mga delivery rider na ito. Imbes na tulungan sila na mapabilis ang kanilang pagde-deliver, may iba talaga na pinapahintay pa sila ng matagal na panahon sa ilalim ng init ng araw.

Ito na nga ang nagyari sa kwentong ibinahagi ni Clariss Gorio sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanyang post, napansin niya ang rider na may hawak na maliit na supot na kumakatok sa isang bahay at naghihintay ito na mapag-buksan.

Ayon pa sa Kicker Daily, nagbigay pa ng advice si Clariss sa mga umo-order at ito ay hangga’t maari, maghanda na ng eksaktong pera kung ang iyong order ay COD o Cash on Delivery. Dapat din daw ugaliin na e-track ang ating mga order online ng sa gayon ay malaman natin kung anong araw ito dadating.

Maliit na bagay lamang ito pero malaking tulong na ang magagawa nito para sa mga delivery riders dahil hindi naman isang tao lang ang kanilang hahatiran ng mga order sa bawat araw.

#justworthtoshare
#onlineshopping

Nakita ko lng itong eksena na ito pag silip ko sa gilid ng gate namin. Naghhintay si…

Posted by Clariss Glorio on Thursday, April 1, 2021

Sana ay magsilbi itong realisasyon sa mga customer na umo-order online na ang mga delivery riders, katulad nating lahat ay naghahanapbuhay lamang ng marangal. Kaya bilang mga responsableng mamimili, bigyang pansin rin natin ang mga paghihirap nila para sa ating kaginhawaan.