19 taon na dalaga, nagpakasal sa 58 taon na lalaki matapos tanggihan ng kanyang ina ang lalaki

Ang kasal ay sagradong seremonya na ginagawa ng magkasintahan para ipangako sa isa’t isa na ang kanilang pagmamahalan ay panghabangbuhay. Ika nga nila, ang pag-ibig ay walang piniliping edad, pagkatao o estado sa buhay.

Ito na nga ang pinatunayan ng isang 19 taong gulang na dalaga na nagpakasal sa lalaking halos doble ng kanyang edad. 58 taong gulang na ito at naipakasal sila sa Indonesia.

Imahe: World of Buzz

Ayon sa World of Buzz, ang lalaking kinilala lamang na si Bora ay unang nag-alok ng kasal sa nanay ng dalaga. Tinanggihan niya ito at sa halip ay inalok na maari nang ikasal ang panganay na babae niyang anak.

Ginanap ang kasal ng dalawa noong Abi 7 sa Cippaga Hamlet, Bana Village, Bontocani district sa South Sulawesi, Indonesia. Umabot ang dowry ng nasabing kasal sa 10 million rupiah ($685) at may kasama pa itong isang ektarya ng lupa.

Imahe: World of Buzz

Ayon naman sa pinuno ng Bana Village na si Ishak, ginanap ang kasal matapos mapagkasundu-an ng dalawang partido ang pag-iisang dibdib.

Ang 58 taong gulang na si Bora ay hindi pa kailanman naikakasal at ang 19-taong gulang naman na asawa na niya ngayon ay panganay sa tatlong magkakapatid. Sa mga larawan ng kanilang kasal, makikita ang magarbong kasuotan ng dalawa na nagsasalamin ng kanilang tradisyon at kultura.

Imahe: World of Buzz

Ang magulang naman ng bride ay matagal ng nag divorce at itinataguyod ang tatlo ng kanilang ina na nagtatrabaho bilang magsasaka.

Ayon pa kay Ishak, ang kasalan ay ginanap para sa “mutual love to strengthen family ties” ng mga pamilya sa kanilang village.