Melai ibinahagi kung bakit tumatanggi siyang magbayad ng “tuition” mga kamag-anak

Likas talaga sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng close family ties kung saan ang mga pamilya ay hindi limitado sa mga immediate family lamang. Kadalasan, kasama pa dito ang mga lolo, lola, at maging mga kapatid o iba pang kamag-anak.

Dahil nga sa ganitong uri ng pamumuhay ng mga Pilipino, hindi maiiwasan ang paghingi ng tulong ng ibang miyembro ng pamilya sa isang miyembro rin na medyo nakakaluwag sa buhay. Pero, ano nga ba dapat nating gawin sa mga ganitong sitwasyon?

Imahe: Enchong Dee/Youtube

Para kay Melai Cantiveros, hindi na dapat aku-in ng isang tao ang responsibilidad na hindi naman sa kanya. Sa vlog ni Enchong Dee, naitanong niya kay Melai ang ukol sa pagma-manage nito ng kanilang expenses.

Ayon kay Melai, siya ang uri ng tao na hindi maluho at para sa kanya, mas inuuna niya ang kapakanan at ang makakapagpasaya sa kanyang mga anak. Dagdag pa ni Melai, mas natuto rin siyang magbigay ng limitasyon sa pagbibigay tulong sa kanyang mga kamag-anak.

Imahe: Enchong Dee/Youtube

Sabi pa nga ni Melai, “Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, [sasabihin ko] ‘Ba’t ako [magbabayad ng] tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan.’”

Dagdag pa ni Melai, dapat daw ay matuto ang mga tao na maging breadwinner para sa kanilang sarili at hindi umasa sa iba. Ibinigay niya pang halimbawa na kung mayroong trabaho si ate, dapat may trabaho rin si bunso at iba pang kapatid. Sa pamamagitan nito, lahat ng miyembro ng pamilya ang magiging responsable sa kani-kanilang pamumuhay.