Jayzam Manabat, nagsalita na tungkol sa isyung nang “scam” daw siya ng isang graphic designer

Isa sa mga pinakasikat na vlogger sa Pilipinas ang JaMill na pinagsamang pangalan ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Ang dalawa ay mayroon lang namang 12 million subscribers sa kanilang Youtube channel.

Ngunit, sa pagkakataong ito, ang pagiging trending ni Jayzam ay hindi dahil sa isa na naman nilang vlog kundi dahil sa akusasyon ng isang Graphic designer na na-scam daw siya ni Jayzam.

Imahe: Renato Moog III/Facebook

Sa Facebook post ni Renato Moog III, nagbahagi siya ng screenshots ng mga naging usapan nila ni Jayzam. Unang nag-send ng mensahe sa kanya si Jayzam ukol sa plano nitong magpa design sa kanya ng JaMill merch na kanilang ibebenta sa kanilang mga tagasuporta.

Imahe: Renato Moog III/Facebook

Nagtuloy-tuloy ang usapan ng dalawa hanggang sa nakapag-send na nga ng disenyo si Moog na sinang-ayunan naman ni Manabat.

Imahe: Renato Moog III/Facebook

Ngunit, noong nag-message na ulit si Moog ukol sa dapat bayaran ni Manabat sa kanyang disenyo, wala na siyang nakuhang reply mula sa vlogger. Umabot pa nga sa dalawang linggo ang kanyang paghihintay ngunit pag seen man lang sa kanyang mga mensahe ay wala siyang nakuha.

Imahe: Renato Moog III/Facebook

Kaya naman, napag-desisyunan niyang i-post sa Facebook ang nangyaring ito sa kanya. Dahil nga sa pagiging sikat ng JaMill, agad na naging trending ang kanyang post.

Matapos ang ilang oras, nag-upload ng video ang JaMill sa kanilang Youtube channel ukol sa isyung ito. Sa nasabing video, ipinaliwanag ni Manabat ang nangyari sa kanila ni Moog.

Ayon sa kanya, inaamin niya na nakaligtaan niya ang kanilang naging usapan dahil na rin sa maraming bagay na kanyang inaasikaso. Pero, itinanggi niya na may intensyon siyang mang-scam.

Imahe: Jamill/Youtube

Ayon pa kay Manabat, hindi niya sisirain ang pangalan niya kapalit ng limang libong piso na hinihingi sa kanya ni Moog. Dagdag pa niya, sinubukan na niyang mag reach out kay Moog pero hindi ito sumasagot sa mga chat at tawag niya.

Sa pamamagitan naman ng pag-upload niya ng nasabing vlog, umaasa si Manabat na mapa-plantsa na ang gusot na nangyari sa kanila ni Moog.

Mapapanood ang buong vlog dito: