Ina nadiskubreng tunay na anak niya pala ang bride ng kanyang na anak

Ang buhay ng tao ay palaging puno ng misteryo at surpresa. Minsan, may mga tagpo sa buhay natin na hindi natin maikakaila na nagpabago sa malaking parte ng ating pagkatao.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang kasal sa Suzhou, China. Ayon sa Buzzooks, ang ina ng groom ay nakita ang kanyang mapapangasawa sa kauna-unahang pagkakataon sa araw mismo ng kanilang kasal.

Noong nagsimula na ang seremonya ng kasal, napansin ng ina na mayroong birthmark sa kamay ng bride. Ang birthmark na ito ay katulad na katulad ng birthmark ng babaeng anak niya na matagal ng nawala.

Imahe: Buzzooks

Ang anak niyang babae ay nawala noong bata pa lamang ito. Ngunit, kahit kailan ay hindi nawala sa kanyang isip at puso ang pagmamahal para rito.

Kaya naman, labis ang pagpintig ng kanyang damdamin noong napagtanto na posibleng ang bride mismo ang nawawala niyang anak. May takot man, nilakasan niya ang kanyang loob na magtanong sa mga magulang nito kung adopted ba ang anak nilang babae.

Bakas ang gulat sa mag-asawa dahil kahit kailan ay wala silang pinagsabihan ukol sa katauhan ng kanilang anak. Nilahad rin ng mag-asawa na nakita nila ang batang babae na umiiyak sa gilid ng daan at mag-isa lamang ito.

Imahe: Buzzooks

Naawa ang mga ito sa sitwasyon ng bata at sinubukan pang hanapin ang mga magulang nito. Noong wala silang mahanap, nagdesisyon na lamang sila na e-adopt siya.

Hindi nagtagal ay naging emosyonal na ang tunay na ina at ang minamahal niyang anak na babae. Mabuti na lamang at natuloy pa rin ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib dahil inilahad na isang adopted child rin pala ang groom. Ito ay dahil na rin sa kagustuhan ng mag-asawa na magka-anak matapos mawala ang babae nilang anak.

Nakakamangha talagang isipin ang mga tagpong kagaya nito na akala natin ay sa teleserye lang pwedeng mangyari. Gayunpaman, mabuhay pa rin ang bagong kasal!