Pangalan ng mga sikat na pinoy, ginawang meme ng netizens

Likas talaga sa mga Pilipino ang pagiging masiyahin. Kaya naman, kadalasan ay nakakakita tayo ng mga nakakatuwang larawan sa social media. Kagaya na lamang ng mga larawang ito na ini-upload ni Alanis ito na halatang hindi lang pinagtuunan ng pansin ang pag-eedit kundi pinag-isipan rin ang mga caption.

Isa na rito ang larawan ng ating pambansang kamao at senador na si Manny Pacquaio. Ang mukha niya ay inedit sa mukha ng isang lalaking naka motorsiklo kasama ang caption na “Manny Ningil.”

Imahe: Alanis/Facebok

Mayroon ring larawan ang ating Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi seksi niyang katawan ang kasama kundi katawan ng isang lalaki kasama pa ang caption na “Pia Horsebackwards.”

Imahe: Alanis/Facebok

Maging si President Nadine ay hindi rin nakaligtas dahil inedit ang kanyang mukha sa katawan ng isang lamok kasama ang caption na “NADINEgue.”

Imahe: Alanis/Facebok

Hindi rin nakaligtaan ang ating Probinsyano na si Coco Martin kung saan ang mukha niya ay nasa katawan ni “Mama Coco.”

Imahe: Alanis/Facebok

Ang family photo na ito ay aakalain mong isang random na larawan lamang hanggang sa tignan mo itong mabuti at mapagtanto na iisang mukha lang ang mayroon ang “Daniel Pamilya.”

Imahe: Alanis/Facebok

Isa pang entry ang mukha ni Manny Pacquiao na isinalin sa mukha ni Maleficent at tinawag na Mannyficent.

Imahe: Alanis/Facebok

Kasunod pa niyo ang larawan ni Goku na nakasilid ang mukha ni Coco Martin at tinawag ito na “Goku Martin.”

Imahe: Alanis/Facebok

Kasama pa rito ang larawan ng sikat na rapper na si Cardi B pero ang mukha ay kay Coco Martin kaya tinawag ito na “Cardo B.”

Imahe: Alanis/Facebok

Isang sikat na singer rin na si Billie Eilish ang orihinal na nasa larawang ito na ngayon ay mukha na ni Willie Revillame. Tinatawag itong “Willie Eilish.”

Imahe: Alanis/Facebook

Hindi rin nakaligtas ang isa sa mga haligi ng industriya ng akting sa bansa na si Nora Aunor sa larawang ito na nakasuot siya ng maraming medalya. Tinatawag ito na “Nora Honor.”

Imahe: Alanis/Facebook

Kasama rin sa mga edited photos na ito si Darren Espanto na nakalublob pa ang mga paa sa Espalto sa kalsada. Kaya naman, tinawag ang larawang ito na Darren Espalto.

Imahe: Alanis/Facebook

Isa sa mga pinaka-kontrobersyal na aktor ngayon si Gerald Anderson. Kaya naman ang larawan niyang ito na nakasuot ng hard hat at nagtatrabaho sa ilalim ng araw ay tinawag na “Gerald Under Sun.”

Imahe: Alanis/Facebook

Si Jessica Soho ay isa sa mga batikang personalidad kung sa field ng pagbabalita ang pag-uusapan. Iyon ay kung hindi pa siya malalasing sa hawak niyang Soju na ito sa larawang, “Jessica Soju.”

Imahe: Alanis/Facebook

Nakakatuwa rin ang larawang ito ni Enrique Gil na nakapaskil sa mga burol at tinawag na, “Enrique Hill.”

Imahe: Alanis/Facebook

Lagi nang tampulan ng pamba-bash sa social media si Xander Ford kaya hindi na nakakagulat ang larawan niyang ito na tinawag na “Bob Marlou.”

Imahe: Alanis/Facebook

Maging si idol Raffy ay hindi nakatakas sa mga pang-eedit na ito. Ang mukha niya ay may katawan na ni Pooh at tinawag itong “TulPooh.”

Imahe: Alanis/Facebook

Cute nga naman talaga si Pikachu. Pero paano kaya si Cherry Pie Pikachu?

Imahe: Alanis/Facebook

Bumagay din naman ang mga mukha ni Susan Roces sa edit na ito na pimanagatang, “Sus N Roses.”

Imahe: Alanis/Facebook

Dapat ay ugaliin nating magbasa. Kagaya na lamang ni “James Read.”

Sandyang

Imahe: Alanis/Facebook

Sadyang creative at malikot talaga ang isipan ng mga pinoy lalo na sa mga nakakatuwang bagay kagaya na lamang ng mga ito. Ngayong may kinakaharap tayong problema sa pandemya, and mga bagay na kagaya nito ang nagbibigay ng temporaryong ngiti sa ating mga labi.