Netizens may mga nakakatuwang sagot tanong na “ano pala apelyido ni Nina?”

Dito sa Pilipinas, isa sa mga pinaka-kilalang mang-aawit ay si Niña. Ang kanyang malambing na boses ang naging patok sa mga Pilipino.

Ngunit, sa pagkakataong ito, hindi isang bagong kanta o d kaya’y pambihirang rendisyon ng isang lumang kanta ang rason ng pagiging trending ng pangalang “Niña”. Ito ay dahil sa tweet ni Kier Ramos kung saan nagtanong siya kung ano ang apelyido ni Niña.

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

Dahil nga likas sa mga pinoy ang pagiging masiyahin, hindi na nakakagulat na agad binaha ng masasayang reply ang nasabing tweet.

May nag comment pang “Tito Vic at Joey” daw na siyang pangalan ng mga orihinal na hosts ng Eat Bulaga.

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

Mayroon ring tila nagsuggest ng pwedeng maidugtong sa “Niña” imbes na ang aktwal na apelyido ng singer. May nagsabing pwede raw ang “ko galet” at maging “kawantayo”.

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

May iba pang gumawa ng dugtong na apelyido nga pero halata namang dapat ay sa ibang tao. Kagaya na lamang ng “Bonnevie” at “Pareño.”

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

May mga hindi pa nag paawat at tuloy tuloy pa rin sa kanilang suggestions. Kagaya na lamang ng isang ito na nagkumento na pwede rin daw ang “san miguel.”

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

Mayroon pa ngang may hugot line pa matapos magreply sa naturang tweet ng “Kho-aasapangmuli.”

Imahe: Uno Enrico Onda Carreon/Facebook

Sa huli, nag tweet si Ramos na okay na daw, alam na niya ang apelyido ni Niña.

Sa mga hindi pa rin nakaka-alam, ang buong pangalan ni Niña ay Marifil Niña Girado-Enriquez matapos siyang magpakasal noong 2015. Siya ay nagsimula sa karera bilang singer noong 2002 at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang pag-angat ng kanyang karera.

Ilan sa mga sumikat na kanta ni Niña ay “Someday”, “Love Moves in Mysterious Ways” at “I Love You Goodbye.”