Pa mine! Lalaki trending sa pagbebenta ng Buko Juice

Ang buko juice ay patok talaga sa marami ngayong summer. Bukod sa nakakatanggal ito ng uhaw, ang buko ay mayroon ring iba-ibang health benefits lalo na ang paglilinis nito sa loob ng ating katawan.

Ngunit hindi ang buko o ang buko juice ang dahilan para maging trending ang isang post na ito kundi ang lalaking nagbebenta nito na si Danilo Delos Santos Jr. mula sa Pasig.

Imahe: Danilo Delos Santos Jr./Facebook

Sa kanyang post, ayon kay Santos ay nagbebenta siya ng fresh buko juice na matamis at masarap. Nag-ooffer pa nga siya ng free delivery sa mga gustong bumili nito.

Imahe: Danilo Delos Santos Jr./Facebook

Sa mga larawan naman na makikita sa nasabing post, si Santos ay nakasuot lamang ng grey na shorts at wala na siyang suot na pang-itaas kaya naman kitang-kita ng madla ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Hindi rin maikakaila na gwapo si Santos kaya mas marami pa ang nahumaling sa kanyang mukha at tinding.

Imahe: Danilo Delos Santos Jr./Facebook

Makikita rin sa mga larawan na napaka-hands-on ni Santos sa negosyo niyang ito dahil siya mismo ang nagbubuhat ng mga buko. Siya rin ang nagkakarga nito sa kanyang mobile tindahan at tumutulong din sa pagbibiyak ng mga buko.

Imahe: Danilo Delos Santos Jr./Facebook

Dahil dito, hindi na naiwasan ng maraming netizens ang mag-react at mag-iwan ng kumento sa nasabing post. Lahat sila ay gustong bumili at makatikim ng itinitinda ni Santos.

Mayroon pa ngang nagsabi na kaya niya daw bilhin lahat ng buko na itinitinda ni Santos.

Imahe: Danilo Delos Santos Jr./Facebook

Iba nga naman talaga ang ginhawa na dulot ng pag-inom ng fresh buko juice lalo na ngayong summer.