Scammer nahiya pang magtira ng 8 pesos matapos nakawin ang laman ng Gcash ng isang sikat na singer

Ngayong panahon na may kinakaharap tayo na pandemya, uso talaga at mas convenient ang paggamit ng cashless payments. Maaring gumamit ng mga bank accounts, o di kaya ang ginagamit ngayon ng karamihan na Paymaya o GCash.

Dahil nga marami ang gumagamit ng GCash, hindi rin maiiwasan na maging daan ito para sa mga mapagsamantala.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Kagaya na lamang ng nangyari sa singer na si Ronnie Liang. Ibinahagi niya ang karanasang ito sa kanyang Facebook account kasama na ang mga screenshot ng naging usapan niya sa nagpanggap sa Gcash Agent.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Nagsimula ito sa pagsasabi ng agent na nagkaroon daw sila ng maintenance activity at nag “float” daw ang pera ni Liang.

Kasunod nito, nagsabi pa ang agent na hindi raw siya manghihingi ng MPIN mula kay Liang. Nagpaalala pa ito na huwag daw magbigay ng impormasyon sa mga Gcash Representative.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Matapos ito, nag-abiso na ang nasabing agent na ita-transfer daw nila ang pera sa BPI account ni Liang. Nanghingi pa ang mga ito ng BPI OTP.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Mas lalo pang naging kaduda-duda ang transaksyon ng humingi ng mga personal na detalye ang nasabing agent. Nagtanong pa ito kung mayroong GCredit si Liang.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Laking gulat na lamang ni Liang na mayroon na siyang fund transfer transactions at na hack na pala ang kanyang GCash account. Naubos ang ilang libo niyang pero roon at nagtira lamang ang scammer ng PHP8.97.

Imahe: Ronnie Liang/Facebook

Ayon kay Liang, ibinahagi niya ang nangyaring ito sa kanya upang magsilbing warning sa mga tao lalo na sa mga palaging gumagamit ng GCash.