Netizens can bigay todo sa kanilang “proof of delivery”

Hindi na bago para sa karamihan ang online shopping. Sa katunayan, mas marami pa nga ang na hook dito lalo na noong nagsimula ang mga community quarantine dahil sa pandemya.

Kung isa ka na rin sa na hook sa mga iba-ibang online shopping sites at apps na ito, hindi ka na rin magugulat kung mag-rerequest sa iyo ang delivery guy ng isang larawan bilang katibayan ng iyong pagtanggap sa mga inorder mong bagay o proof of delivery.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Kadalasan, hindi na binibigyan pa ng pansin ng marami kung ano ang magiging itsura nila sa mga proof of delivery na ito. Ngunit, ibahin niyo ang mga taong ito na tila kinareer ang pagpapa-picture sa kanilang proof of delivery sa mga larawang ini-upload ni Mabini Myrwena.

Ang isang ito, todo outfit pa ng ruffled na dress at ginamit pa ang face shield bilang props sa pagpapa-picture.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Ang isa pang kustomer na ito, aakalain mong nagpo-pose ito para sa isang magazine habang iminomodelo ang plastic na ang laman ay ang diniliver sa kanya.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Si ate namang ito, may pa distansya pa kay kuyang nagdeliver ng kanyang inorder para makuha ang mas maganda niayng anggulo.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Itong si kuya naman, sa unang tingin ay tila balewala lang, pero ang totoo, ang pagsandal niya sa pader at ang pa peace sign niya habang kinukunan ng larawan ng delivery guy ay todo effort na para sa magandang picture.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Isa pa itong si kuya na may photobomber pa na mga alaga niyang aso habang nakangiting ipinapakita ang inihatid na parcel sa kanya.

Imahe: Mabini Myrwena/Facebook

Talagang maraming paraan ang mga tao ng sa gayon ay makapaglagay ng ngiti hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa mga tao sa kanilang paligid. “Proof of delivery, but make it fashion” ito na marahil ang pinaka-angkop na deskripsyon sa mga larawang ito.