Lalaking may ka LDR na magandang GF, nagulat ng malamang isa pala itong matandang babae

Marami nang mga love story ang nagsimula lamang sa simpleng “wave” sa messenger o di kaya’y sa friend request sa Facebook. Ngunit, mayroon ding mga love story na okay na sana pero naudlot pa dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kagaya na lamang ng istorya ni Yusuf na isang Indonesian Migrant Worker na nagtatrabaho sa South Korea. Nakilala niya ang kanyang magandang babae sa social media na nagkataon na isa ring Indonesian. Hindi nagtagal ay nagsimula nang mahulog ang dalawa sa isa’t-isa.

Imahe: World of Buzz

Nauwi na nga sa long distance relationship ang dalawa at umabot ito sa dalawang taon. Nangako pa si Yusuf sa dalaga na mag-iipon ito ng pera para makabalik sa kanilang bansa at makapagkasal sa kanya.

Ayon pa sa Rachfeed, sa loob ng dalawang taon, kadalasan ay nag vi-video call ang dalawa ngunit palaging nagtatakip ng kanyang mukha ang babae. Sa kabila nito, hindi natinag si Yusuf at nagpatuloy lamang siya sa pagpapakita ng pagmamahal sa babae.

Imahe: World of Buzz

Nagpapadala rin ng pera si Yusuf sa kasintahan. Sa katunayan, umabot pa ito 10 million Rupiah ($700) pero balewala lng ito kay Yusuf dahil para naman ito sa kanyang minamahal.

Umabot na nga sa pagkakataon na ang babae na mismo ang nagsabi kay Yusuf na kung tunay siya nitong mahal, magpapakasal sila kahit pa masailalim sila sa tradisyon ng Indonesia nikah gantung kung saan ang dalawang tao ay kasal pero hindi nagsasama. Agad namang sumang-ayon dito si Yusuf.

Ngunit, noong dumating na siya sa mismong araw at pagdarausan ng kanilang kasal, laking gulat niya na imbes na ang maganda niyang kasintahan ang naroon, isang matandang babae ang nakasuot ng wedding gown ang nadatnan niya.

Imahe: World of Buzz

Kahit handa na ang lahat sa kanilang kasal, minabuti ng Yusuf na huwag na itong ituloy dahil hindi niya mapapatawad ang scam na ginawa sa kanya ng matandang babae.

Kalaunan, nadiskubre pa na ang nga larawang kanyang isini-send kay Yusuf ay mula pala sa mga page ng mga make-up artist. Ang babae pa lang nasa mga larawan ay isang model.