Lalaki, naglagay ng mga pako sa likod na upuan ng motor para hindi magduda ang GF

Gusto man nayin o hindi, ang pagseselos ay bahagi na talaga ng bawat relasyon. Ang lalaking ito, napuno na sa paulit-ulit na pagseselos ng kanyang girlfriend. Kaya naman, minabuti niyang lagyan ng mga pako ang likod na parte ng kanyang motorsiklo!

Ayon sa Buzzooks, si Khoirul Anam na mula sa Magelang, Indonesia ay nagbahagi ng mga larawan ng ginawa niya sa kanyang motorsiklo sa kanyang Facebook account.

Dagdag pa ni Khoirul, nagawa niya ito dahil palagi na lamang silang nag-aaway ng kanyang kasintahan dahil sa pagseselos nito. Kaya naman, humingi na siya ng tulong sa isang motorcycle shop para isakatuparan ang kanyang plano.

Ito na nga ang naging kalabasan ng paglalagay niya ng pako sa kanyang motorsiklo. Para napatunayan na totoong mga pako ang kanyang nilagay, may intinusok siyang isang bayabas sa taas nito.

Tingin pa lang, mistulang mararamdaman mo na kung gaano kasakit ang maupo sa parteng ito. Masaya naman ang girlfriend ni Khoirul noong una niyang makita ang ginawa ng nobyo lalo na at panatag na ang kanyang loob na wala ng makaka-angkas sa motorsiklo nito.

Ngunit, hindi nagtagal ang kaligayahang ito dahil napagtanto niya na kahit siya mismo ay mahihirapan nang makasakay rito. Kaya naman, wala siyang naging choice kundi ang sumakay sa harap na parte ng motor na medyo hindi kumportable ang kanyang pagkakaupo.

Ang pagseselos ay hindi talaga maiiwasan ngunit hanggang maari, dapat ay iwasan ito at pag-usapan na lamang ng inyong karelasyon ang mga problema ng sa gayon ay hindi na umabot pa sa puntong ito ang inyong hindi pagkakaintindihan.