Pang malakasang photoshoot kinaaliwan online

Maraming mga photography tutorials ang kadalasang makikita natin sa social media. Kadalasan, mga ordinaryong bagay na makikita lang sa loob ng bahay ang ginagamit ng mga photographer at mga magagandang larawan na ang nagiging resulta nito.

Pero, ang masaklap dito ay kung tayong mga ordinaryong tao na ang susubok gawin ito, hindi naman nagiging kaaya-aya ang resulta. Kagaya na lamang ng ipinost ng netizen na si Marven Flores Destinado kung saan makikita ang behind the scene photos at ang mga resulta nito.

Ang dalawang lalaking nasa larawan ay nasa isang malawak na lugar at maganda pa ang sunset dito. Sa unang larawan, makikita ang isang brand ng chichirya na itinatapat sa mukha ng model.

Ang kinalabasan, mistulang nahati ang mukha ng model at ang kalahati nito ay ang sachet ng itim na Yipyap.

Sa susunod naman, isang portrait shot na ang malawak na lugar at ang sunset ang nagsisilbing background dapat ang kukunin sa photoshoot.

Pero, ang kinalabasan nito ay tila awkward na ekspresyon ng modelo. Hindi malaman kung siya ba ay naka-smile o malungkot sa kanyang itsura.

Kasunod nito ay gumamit pa sila ng props na isang maliit na parte ng tubo.

Ang kinalabasan, isang nakakatuwang larawan kung saan mata at ilong lamang ng modelo ang nakikita. Kita rin ang kamay ng photograper na nakahawak sa tubo.

Mayroon ding ang ginamit na props ay mga damo, bulaklak o halaman na makikita sa lugar.

Yun nga lang, imbes na itsura ng model, ang mga halaman pa ang naging pokus nito.

Hindi rin nila nakalimutan ang paggamit ng tsinelas bilang isa ring props sa kanilang photoshoot.

Dahil sa nakaka-goodvibes na photoshoot na ito, hindi rin naiwasan na marami ang natuwa rito kaya naman naging viral ito. Ika nga nila, sa panahon ngayon, ang mi-minsang pagtawa ay kailangan para patuloy na maging matiwasay ang buhay.