Maaga man nagbukod ng pamilya, kasama sila nagsikap hanggang nakapagpatayo ng mansyon at negosyo

Minsan talaga sa ating buhay, may mga pagsubok na dumadating at kung ang iba ay sumusuko na lang, ang mag-asawang Duran ay pinakita sa lahat na ang mga pagsubok na ito ay kayang lampasan at mapagtagumpayan.

Imahe: Erika Duran/Facebook

19 lamang si Erika Duran noong nabuntis siya at nahinto sa pag-aaral. Sa kabutihang palad, responsable naman ang kanyang nobyo na 20 taong gulang pa lamang noon. Nagsama ang dalawa at pinasok ang kung ano-anong hanap buhay para matustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Dahil dalawang taong kurso lang ang tinapos ni Erika, hindi siya agad nakahanap ng trabaho. Kaya naman, minabuti niyang humingi ng tulong sa magulang na kung maari ay maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Sa panahong din ito, naisipan na nilang mag-asaw na bumukod na ng tirahan at subukang mamuhay ng hindi na umaasa sa magulang.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Noong nag-OJT na si Erika, napilitan rin ang kanyang asawa na mag-resign sa trabaho nito. Pero, hindi nila sukat akalain na ito na pala ang magiging simula ng kanilang maliit na negosyo.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Ang kanyang asawa ang nagka-cut ng mga tela at si Erika naman ang tumatahi para gawin itong damit. Binebenta nila ito online. Alaala pa ni Erika, Multiply pa daw noon ang ginagamit niya dahil hindi pa uso ang Facebook at Instagram.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Hanggang sa unti-unti nang lumago ang kanilang negosyo, nakakabili na sila ng kilo-kilo ng mga tela. Dagdag pa dito, nakapag-hire na rin sila ng dagdag na isang taga-cut at isang taga-tahi.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Mayroon na rin silang tyangge kung saan naka-display ang mga binebenta nilang damit. Makalipas pa ang ilang taon, nakapagpatayo na sila ng sarili nilang patahi-an.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Patuloy pa rin sa pagsisikap ang mag-asawa hanggang sa nakapagpatayo na sila ng kanilang sariling bahay. At, hindi lang ito simpleng bahay dahil isa itong mansyon. Kumportable na silang naninirahan dito ngayon.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Sa kanyang post, inalala ni Erika ang kanilang pinag-simulan at hindi niya lubos akalain na aabot sila sa ganito. Ngunit, labis ang kanyang pasasalamat sa panginoon dahil ito ang gumabay sa kanila at patuloy na nagpapa-ulan ng blessing sa kanilang pamilya.

Imahe: Erika Duran/Facebook

Ayon pa kay Erika, ibinahagi niya ang kanyang kwento para magsilbing inspirasyon sa mga magkasintahan na maagang nagsimula ng pamilya. Ayon pa sa kanya, kahit gaano man kahirap, manalig lamang sa panginoon at magsumikap sa pamumuhay at tiyak na malalagpasan ang anumang pagsubok.