“Dao Ming Si” ng Pinas muling nagpakilig sa kanyang bagong video

Sino ba naman ang makakalimot sa karakter ni Dao Ming Si sa popular na asianovelang Meteor Garden? Kahit dekada na ang lumipas, nananatili pa rin ito bilang isa sa pinaka-paboritong palabas ng mga pinoy.

Dahil nga sa pagiging iconic ng mga karakter ng naturang drama, hindi na rin nakakagulat na marami ang gumagaya sa kay Dao Ming Si.

Imahe: James Ryan Perez – Tungaw/Facebook

Isa na nga rito ang vlogger na si James Ryan Perez o kilala rin sa palayaw nitong si “Tungaw.” Noon pa man, marami nang nai-upload na mga parody videos si James at ang viral nga ngayon ay ang isang parody niya sa eksena mula sa Meteor Garden.

Sa post na ini-upload ni James sa kanyang Facebook page, makikita ang dalawang video na naka-collage kung saan siya ay nasa taas at ang tunay na Dao Ming Si naman ang nasa baba.

Imahe: James Ryan Perez – Tungaw/Facebook

Kuhang kuha pa nga ni James ang buong set-up ng eksena kung saan nasa malapad na field si Dao Ming Si at naglalaro ng baseball. Maging ang suot na damit at bawat galaw ni James ang akmang-akmang sa orihinal na eksena.

Maya-maya pa, dumating ang isang babaeng nakasuot at naka-hairdo ng katulad kay San Chai.

Imahe: James Ryan Perez – Tungaw/Facebook

Dahil dito, umani ng maraming reaksyon sa mga netizens ang nasabing parody video kaya naman naging instant trending ito.

Marami ang natawa at naka-appreciate sa effort ni James sa paggawa ng video. May iba naman na naging sentimental dahil naalala na naman nila ang masasayang panahon ng kanilang kabataan kung saan naging malaking bahagi ang Meteor Garden.