Lalaki bumili ng murang iPhone online, napamura sa natanggap na iPhone table

Halos lahat ng taong ating masasalamuha sa araw-araw ay nagmamay-ari ng cellphone. Maraming brand nito ang pwedeng mabili sa mga cellshop o gadget stores.

Pero, hindi maikakaila na isa sa nga pina-popular na brand ng cellphone ay ang iPhone. Ngunit, medyo may kamahalan ito at hindi lahat ay makaka-afford makabili.

Imahe: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

Kaya naman, isang lalaki ang sinunggaban na ang pagkakataon ng makakita ng isang online store na nagbebenta ng iPhone sa murang halaga.

Ayon sa ulat ng 9gag, ang teenager na ito na mula sa Thailand ay nagbahagi ng kanyang naging karanasan sa social media kung saan sinabi nito na una ay nagduda na siya kung bakit masyadong mababa ang presyo ng iPhone na kanyang nakita online.

Imahe: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

Sa kabila nito, mayroon namang kamahalan ang shipping fee para sa nasabing produkto. Dahil curious din kung makakatanggap nga siya ng cellphone, inorder niya ito.

Ngunit, laking gulat niya ng isang araw kay mayroong malaking kahon na idinelever sa kanilang bahay na nakapangalan sa kanya. Ng buksan niya ang kahon, dito na tumambad sa kanya ang coffee table na may disenyong iPhone.

Imahe: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

Dito na niya napagtanto na ito pala ang inorder niya online. Sa larawan, makikita na halos lampas sa kalahati ng katawan ng lalaki ang laki ng naturang coffee table.

Kaya naman, sa susunod na makakita kayo ng masyadong mababang presyo ng iPhone o kahit anong uri pa man ng cellphone, mas mabuting basahin ang nakalakip na description sa naturang produkto. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang katulad ng nangyaring sa lalaking ito.