Live selling sa Facebook nauwi sa “live raid”

Uso ngayon sa marami nating mga kababayan ang live selling. Dahil sa kabi-kabilang quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan, mas madali naman talaga ang manood, makisaya at umorder na lamang online at ipa-deliver ito sa sariling bahay.

Hindi na rin nakakagulat na halos lahat na lamang ng pwedeng ibenta ay makikita rin sa live selling. Kagaya na lamang ng isang sikat na live seller na nagbebenta ng mga luxury bags sa kanyang Facebook live videos.

Sa isang episode ng kanyang live selling noong March 19, naging matiwasay ang pagsisimula at nagprisinta na ng mga bagong stocks ng bag ang live seller.

Ngunit, ikinagulat ng marami ang isang hindi inaasahang pangyayari habang patuloy ang pagbebenta. Bigla na lamang may pumasok na mga operatiba at ang mga ito pala ang ni-raid na ang nasabing tindahan ng mga bag.

Imahe: Facebook

Maya-maya pa, makikita na isinilid na ng mga operatiba ang mga naka-display na bag sa malalaking sako.

Imahe: Facebook

Mistulang nagkagulo rin ang mga viewers ng nasabing live selling dahil sa eksenang hindi nila inaasahan.

Mapapanood ang buong video dito: