Bea Alonzo, ipinakita ang loob ng kanilang rustic farm house

Noong nakaraan linggo, ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo sa unang pagkakataon ang farm ng kanilang pamilya na tinawag nilang Beati Firma kung saan nakapaligid ang maraming kahoy at iba-ibang uri ng mga hayop.

Sa pagkakataong ito, nagpa-unlak naman ang aktres ng virtual tour ng kanilang Farm House. Ayon kay Bea, labis siyang natutuwa na ibahagi sa kanyang mga tagasuporta ang bahay nilang ito dahil ito ay sumasalamin sa kanilang pagsusumikap sa buhay.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Mayroong tatlong malaking structure na makikita sa kanilang farm house, una ay ang House of Basha, House of Santi kung saan nakatira ang kapatid ni Bea at ang main house na tinatawag nilang House of Mary.

Unang ibinahagi ni Bea ang House of Basha kung saan makikita ang kanilang kitchen na mayroong brown at white na theme. Marami ring maliliit na pinggan na may kakaibang disenyo sa loob nito dahil ito ang kinahihiligan ng kanyang ina.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Sunod naman ang house of Santi kung saan naninirahan ang buong pamilya ng kapatid ng aktres kasama na ang cute nitong anak na si Santi.

Sa main house naman nila o House of Mary, unang ipinakita ni Bea ang kanilang living room kung saan rustic pa rin ang theme at nakaka-relax ang buong ambiance.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Sunod niyang ipinakita ang kanilang dining area kung saan ipina-customize pa ang dining table nila na gawa sa mahogany.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Ipinakita rin ni Bea ang kanyang kwarto na inilarawan niya bilang kanyang “sanctuary” sa tuwing mamanalagi siya sa kanilang farm. Katulad ng buong bahay, vintage rin ang kabuuang tema nito.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Huli namang ipinakita ng aktres ang kwarto ng kanyang ina kung saan lahat ng gamit ay kanila pang ipinasadya.

Imahe: Bea Alonzo/Youtube

Para kay Bea, ang lahat ng ito ay regalo niya na rin sa kanyang ina sapagkat bakas sa mukha nito ang kasiyahan sa pamamahala at pagpapalago ng kanilang farm.

Mapapanood ang buong video ng aktres dito: