Add to heart: Netizens na starstruck sa crew ng Spanish Navy training ship

Mistulang eksena sa isang drama ang mga larawang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita ang mga lalaking nakasuot ng puting uniporme habang nasa isang barko.

Maraming netizens ang hindi nag-atubili na ipahayag ang paghanga sa nga makikisig na lalaking nasa larawan. Ayon sa post ng Philippine Star, sila pala ay mga miyembro ng crew ng Spanish Navy training ship na Juan Sebastian Elcano na mula sa Samar.


Dumaong ang kanilang barko sa Cebu City kung saan sila nakunan ng mga trending ngayon na mga larawan.

Sa isang larawang ito, makikita na nagsisitawanan pa ang mga navy habang nagpapa-picture sa bagong lugar na kanilang dina-ungan. Viral ang kanilang mga larawan dahil hindi naman talaga maipagkakaila na puro mga magagandang lalaki ang mga ito.

May mga nag-iwan pa nga ng kumento na pa “mine” na lang daw na mistulang binebenta ang mga nakahilerang kalalakihan.

Image: Screencap from Phillipine Star post

Mayroon ding hindi na nag-atubili pa at direkta nang nagsabi ng “Mine” sa isang specific na lalaki sa grupo ng mga navy. Marami pang napa-add to heart na matapos makita ang mga larawang ito.

Image: Screencap from Phillipine Star post


May isa namang hindi na napigilan ang mapakanta ng “it’s raining men” dahil marami nga naman talaga ang nga lalaking navy at halos lahat sila ay puro mga gwapo.

Image: Screencap from Phillipine Star post

Umabot lang naman ngayon sa 24,000 ang reactions sa nasabing post at 10,000 naman ang nag share nito matapos lamang ang mahigit dalawang oras mula ng una itong naibahagi sa Facebook. Hindi pa kasama rito ang iba pang nagsi-share ng indibidwal na mga larawan na kasama sa nasabing post.