4-taong gulang na bata di na nakaligtas matapos makalunok ng candy

Likas na talaga sa mga bata ang pagkahilig sa mga matatamis na pagkain. Maging inumin man ito o mga solidong pagkain basta matamis ang lasa ay swak na swak agad sa kanilang sikmura. Pero, paalala ng mga eksperto sa mga magulang, lagi pa ring gabayan ang mga bata lalo na at mahilig silang maglagay ng kung ano-anong bagay sa kanilang mga bibig.

Image: GMA News/Facebook

Labis ang pagsusumamo ng pamilyang Nayre mulsa sa Baybay City, Leyte matapos bawian ng buhay ang mahal nilang si Kier Cyrus Nayre, apat na taong gulang dahil sa pagkakabilaukan ng makalunok ito ng candy.

Image: GMA News/Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News, madalas na daw kumain ng ganitong klase ng candy si Kier dahil paborito niya ito. Nakasanayan na rin ng kanyang mga magulang na pabayaan na lamang siya habang kumakain nito dahil nagkarron na sila ng kumpyansa sapagkat lagi niya naman itong ginagawa.

Image: GMA News/Facebook

Hindi nila lubos akalain na ito pa pala ang magiging hudyat ng kanyang kamatayan. Dagdag pa ng kanyang lola, posible pa raw sana na naagapan ang pagkakamatay ni Kier kung maayos lamang silang nabigyan ng pansin at naasikaso ng dalawang ospital na pinagdalhan sa bata.

Una raw siyang dinala sa isang infirmary pero wala raw doktor dito na titingin sa kanyang kalagayan dahilan para ilipat siya sa mas malaking ospital. Ngunit, kinailangan pa nilang maghintay ng isa’t kalahating oras  para sa pagdating ng ambulansiyang maglilipat sa bata.

Image: GMA News/Facebook

Ang masaklap pa, pagdating sa malaking ospital ay hindi rin agad nabigyan ng pansin ang bata dahil kailangan pa raw nitong sumailalim sa swab test! Labis na nanlumo na lamang ang pamilya sa masaklap na sinapit ng batang si Kier.