Napakagandang rider, isa palang 50-taong gulang na lalaki na gumagamit ng FaceApp

Lahat ng tao, bata man o matanda ay madali na lamang na nakaka-acess sa social media. Bukod sa ang social media ay paraan para makipag-usap sa mga mahal natin sa buhay, hindi maiiwasan na nagiging daan din ito para makapanlinlang sa kanilang kapwa ang ibang tao.

Imahe: azusagakuyuki/Twitter

Kagaya na lamang ng magandang Japanese biker na ito na ang mga larawan ay lagi nang laman ng social media. Ngunit, marami ang nagulat ng ibunyag ng isang 50-taong gulang na lalaki na siya ang nasa likod ng mga larawang ito ng nasabing Japanese biker.

Imahe: Motoworld Singapore/Facebook

Ayon sa World of Buzz, ang username niyang @azusagakuyuki ay umabot na sa 17,000 ang followers sa Twitter. Ang laman ng kanyang mga post ay palaging siyang nakasakay sa iba-ibang motorsiklo.

Ngunit isang araw, may mga netizens na nakapansin na ang repleksyon ni Azusa sa isang salamin ay napakalayo sa itsura niya sa picture.

Imahe: Motoworld Singapore/Facebook

Dito na nagsimulang e-track si Azusa ng isang Japanese variety show. Ng nahanap na nila, dito na ipinakita ang totoo niyang anyo. Siya pala ang isang 50 taong gulang na lalaki!

Noong tinanong naman siya kung paano niya iniiba ang kanyang itsura, sinabi niya na ginagamit niya lamang ang application na FaceApp. Ayon pa sa kanya, ang rason niya sa pag-iiba ng kasarian ay para mabahagi sa iba ang pagmamahal niya sa mga motorsiklo.

Imahe: Motoworld Singapore/Facebook

Ngunit, napagtanto niya na hindi naman bibigyang pansin ng marami ang katulad niyang matanda na. Dito niya naisipan na magpanggap bilang isang dalaga para makakalap ng maraming followers.

Iba talaga ang nagagawa ng talento ng maraming tao sa pag-eedit ng kanilang nga larawan. Tiyak na maraming nalinlang itong si kuya sa kanyang mga inedit na larawan!