Vlogger na si Snake Princess, nakakamangha ang “transformation”

Ang vlogger na si  Mark Anthony Abucejo, o mas kilala bilang si “Snake Princess,” ay unang nakilala noong 2015 dahil sa kaniyang mga video patungkol sa heartbreaks na pinamagatang “Mark Serye.” Ngayong 2021, viral ulit siya ngunit hindi na dahil sa kanyang heartbreak kundi dahil sa kanyang “transformation.”

Imahe: Snake Princess/Facebook

Sa pamamagitan ng isang video na ini-upload ni Rowell Ucat o kilala sa tawag na “Medyo Maldito,” sa kanyang Youtube channel, masasaksihan ang nose reveal ni Snake Princess. Sa nasabing video, makikita ang unang paglabas ni Snake Princess na wala nang bandage sa kanyang mukha, partikular na sa kanyang ilong nakasuot pa siya ng itim na gown.

Imahe: Snake Princess/Facebook

Maya-maya pa, nagpasalamat na si Snake Princess sa mga taong tumulong sa kanya sa transformation niyang ito, lalo na ang One Nadela Medical Group na siyang nagsagawa ng procedure sa kanyang ilong. Labis naman ang kasiyahan ni Snake Princess lalo na at ayon sa kanya ay matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng matangos na ilong.

Samantala, ibinahagi rin ni Snake Princess ang kanyang transformation sa pamamagitan ng isang Facebook post, na may caption na “Snake Princess, Before and After.” Ang nasabing post ay napuno naman ng komento ng maraming netizens na pumupuri kay Snake Princess sa kanyang pagiging mapagkumbaba sa kabila ng tinatamasang tagumpay.

Bukod pa dito, usap-usapan din ang pagpapalit ni Snake Princess ng kanyang profile picture kasama pa ang caption na, “The New Snake Princess.”

Malayo man ang pinagkaiba ng pisikal na anyo ni Snake Princess, hindi naman nagbabago ang kanyang pagiging likas na mabuting tao at ang kanyang mapagkumbaba.

Mapapanood ang kanyang nose reveal video dito: