Pera o Dignidad? Matandang tindero, payag na halikan sa paa ang isang vlogger kapalit ng 3,000 pesos sa isang social experiment

Mahirap ang kumita ng pera. Kaya naman, marami sa atin ang handang pasukin ang kahit anong trabaho o di kaya’y gawin ang kahit ano para kumita ng kahit maliit lamang na halaga.

Nakakalungkot man pero ito ang realidad natin sa msaklap na mundong ito. Hindi iba sa marami sa atin ang isang matandang lalaking ito na pumayag na humalik sa paa ng isang vlogger kapalit ng pangako nitong pera.

Imahe: Jose Hallorina/Youtube

Sa istoryang ibinahagi ng Facebook page ng Radyo Bandera Bacolod, isang vlogger na si Jose Hallorina ang lumapit sa isang matandang nakadamit na kulay berde. Si tatay pala ay nagbebenta ng kulay sa isang kalye.

Sa pag-uusap ng dalawa, naibahagi ng matanda na mula pa alas 4 ng madaling araw ay gising na ito upang mamili ng kanyang ilalakong gulay. Nagpakilala rin ito bilang si tatay Danilo.

Imahe: Jose Hallorina/Youtube

Ibinahagi rin ni tatay Danilo na may tatlong anak siyang nasa probinsya at mayroon siyang higit 3 libong piso na ginagamit niya bilang puhunan sa negosyo. Tinitinda niya ang mga gulay sa loob ng 16 na oras.

Maya-maya pa, sinabi na ni Hallorina na magpapahalik ito sa paa niya kapalit ng 3 libo. “Bakit ako magpapahalik? Kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba? Papayag ka ba o hindi?” Paliwanag pa ng vlogger.

Imahe: Jose Hallorina/Youtube

Hindi niya akalain na talagang papayag si tatay Danilo sa ipapagawa niya kapalit ng pera. Halos maiyak si Hallorina sa ginawa ni tatay Danilo sabay paliwanag pa ng matanda na gagamitin niya ang makukuhang pera bilang pandagdag sa kanyang puhunan.

Sa huli, binigyan na lamang ni Hallorina ng anim nalibongpiso si tay Danilo, kasama na rin ang bigas, at iba pang pangangailanagan,galing sa UniCare.

Imahe: Jose Hallorina/Youtube

Ayon pa kay Hallorina, napakalungkot na sa ating lipunan ngayon, marami pa ang mga katulad ni tatay Danilo na kayang gawin ang kahit ano, maging ang lunukin ang kanilang dignidad para sa pera. Kaya naman, bilang mga taong medyo nakaka-angat sa buhay, huwag abusuhin ang mga kagay nila at sa halip ay subukang mamuhay ng matiwasay at payapa hindi lamang para sa sarili kundi sa pangkalahatan.

Panoorin ang buong video rito: