Magkasintahan literal na ipinosas ang sarili sa isa’t-isa

Sa isang relasyon, hindi talaga maiiwasan ang mga pagkakataon kung saan nagkakaroon ng hidwaan o hindi pagkakaintindihan ang dalawang tao. Ngunit, ang mga ito ay pagsubok lamang upang lalo pang maging matibay ang isang relasyon.

Imahe: Ladbible

Para mas lalo pang mapatibay ang kanilang relasyon at maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan, ang magkasintahang ito mula sa Ukraine ay nagpasyang itali ang mga sarili nila sa isa’t-isa.

Imahe: Ladbible

Sa ulat ng Ladbible, ang magkasintahan na sina Alexander and Viktoria ay nagpasyang literal na itali ang sarili sa kanilang kabiyak noong Valentine’s Day. Ito ay bilang bahagi ng eksperimento ng national register of records ng bansang Ukraine.

Imahe: Ladbible

Bilang unang pagsubok sa magkasintahan, kailangan nilang sumakay sa taxi pauwi at halos 325 miles ang layo ng kanilang pinanggalingan mula sa kanilang bahay.

Habang bumabiyahe, kinailangan ng dalawa na mag stop-over para makagamit sila ng palikuran. Dito na nagsimula ang kanilang paghihirap lalo na sa pagdedesisyon kung saang palikuran sila papasok- sa babae o lalaki. Sa huli, napagdesisyunan ng dalawa na sa pambabae na lamang pumasok.

Imahe: Ladbible

Habang tumatagal, dinokumento rin ng dalawa ang nangyayari sa kanilang buhay sa araw araw. Marami nang gawain na tila sanay ng gawin ng dalawa kagaya na lamang ng pagtulog, pagluluto o di kaya’y pag-toothbrush.

Imahe: Ladbible

Syempre, mayroon ding mga gawain na mahirap talagang gawin lalo na at nakatali ka sa isang tao. Kasama na rito ang paliligo, at maging ang paglalagay ng gamit sa isang bag.

Sa ngayon ay nakaka-isang buwan nang magkatali ang dalawa sa isa’t-isa. Kakayanin ba nila ang tatlong buwan o susuko kaya sila sa kalagitnaan ng experimentong ito? Iyan ang dapat nating abangan!