Ivana Alawi, sobrang pinaiyak nang tulungan ng isang tindero matapos magpanggap na palaboy at mamalimos

Ngayong panahon ng pandemya, ramdam talaga ng marami nating mga kababayan ang mas lalong pang mahirap na sitwasyon lalo na sa paghahanap-buhay. Sa kabila nito, may mga mabubuting puso pa rin na kahit sa hirap ng kanilang sitwasyon, pinipili pa rin nilang makatulong sa kapwa.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Kaya naman, minabuti ni Ivana Alawi na mang prank ng mga tao sa lansangan sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang taong grasa. Sino man ang magbibigay ng pera sa kanya ay bibigyan niya ng 1,000 times na katumbas ng perang ibinigay nila.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Nagsimula ang prank ni Ivana sa isang jeepney stop kung saan may mabuting loob na lalaki na nagbigat sa kanya ng dalawang piso. Laking gulat pa ng lalaki ng tumbasan niya ito ng dalawang libo.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Sunod naman nilang pinuntahan ang isang gasoline station kung saan may nagbigay ng sampung piso kay Ivana. Halos hindi makapaniwala pero labis ang pasasalamt ng lalaki ng bigyan siya ng sampung libo ni Ivana bilang katumbas ng perang ibinigay niya.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Nakasalubong naman ni Ivana ang isang lalaking nagtitinda ng gamit ang kanyang kariton. Hindi rin lubos akalain ni kuya na ang kanyang sampung piso ay magiging sampung libo sa isang iglap lamang.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Pumunta pa si Ivana sa isang parke kung saan marami ang nagbigay sa kanya ng pera at mayroon pang nagbigay ng pagkain. Labis ang tuwa ni Ivana na maraming tao ang handang tumulong sa isang katulad niyang taong grasa.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Pinakahuling nilapitan ni Ivana si tatay Joselito Martinez na nagtitinda ng mga kakanin sa isang iskinita. Kahit naghihikahos sa buhay, halatang masiyahing tao si tatay dahil bukod sa bente pesos na ibinigay niya kay Ivana, binigyan niya rin ito ng makakain.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Habang patuloy sila sa pag-uusap, naglahad pa si tatay Joselito ng mga detalye ukol sa kanyang panilya sabay bigay ng dagdag na pera para may mabiling inumin si Ivana.

Imahe: Ivana Alawi/Youtube

Naiyak na si Ivana ng inabot niya kay tatay ang dalawampung libong piso. Hindi rin lubos akalain ni tatay na mabibiyayaan siya ng ganoon kalaking halaga ngayong ang gusto niya ay makatulong lamang sa kanyang kapwa.

Sa huli, nagpasalamat si Ivana sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha sa nasabing prank video niyang ito at wala na siyang ibang hiling pa kundi ang marami pang blessings ang dumating sa kani-kanilang buhay.